Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts

Wednesday, April 28, 2010

Beggars CAN be choosers

Nag commute nga pala ako last week kasi gagamitin ng Ex-GF (my wife) ko yung kotse. So the usual trike muna from Brookside palabas ng gate ng Parkplace. Pagbaba ko palakad nako dun sa kanto na abangan ng GLINER (Yes Gliner tawag ko dun kasi gumaglide lang yang mga G-Liner na yan sa kahabaan ng Ortigas na wari mo ay wala silang preno) sa may Tuhog Tsibog nadaanan ko yung matandang namamalimos. Well technically di siya pulubi kasi ok naman bahay niya sa loob ng parkplace at mukha naman din di sila mahirap kasi ayus pa yung bahay eh and besides Bungalow yung bahay nila hindi Iskwat, pero madalas ko siya madaanan tuwing papasok ako na slomo at major effort sya naglalakad palabas ng gate ng subdivision. Literal na humihinto lahat ng Trike at Kotse makatawid lang sya. Most probably may illness kasi hirap siya maglakad. So yun nga, paglampas ko sa kanya umaabot na siya na nanghihingi ng barya so inabot ko yung sukli ng Trike sa kanya tapos dumiretso nako sa Tuhog Tsibog. Sinuyod niya yung lahat ng nag aabang ng sasakyan at nahingi ulet siya ng barya. Until, umabot na naman siya sa harap ko at sumesenyas na humihingi ng barya.


Gerhard : Tay, pasensya na po wala na po akong barya at binigay ko na po sa inyo lahat.

Lolo : Kelan?

Gerhard : Kanina po pag daan ko sa inyo Tay.


Akala ko okay na kasi nakatulala lang sa palad niya si Lolo. Ng biglang . . . . . .


Lolo : Magkano binigay mo?

Gerhard : Di po ako sigurado Tay pero mga dose pesos po ata.

Lolo : San mo inabot?

Gerhard : Dun po (sabay nguso sa banda dun) pagkababa ko po ng Trike.

Lolo : Sigurado ka ba nagbigay ka na?

Gerhard : Anak ng tiny bubbles naman Tay! Naman! Naman naman naman! Nagbigay na nga ako eh parang sa tono niyo niloloko ko pa kayo eh?

Lolo : Di ka naman ata nagbigay eh?

Gerhard : Anak ng . . . . sabay tinangala LORD PLEASE!

No comments: