Mahaba pero a MUST-READ!!!
ONLY IN THE PHILIPPINES
READ THIS FUNNY BUT TRUE STORY.
Dear Joey,
Kumusta sir. Naalala mo pa si Mjolnir? Yung anak kong
gustong pumasok sa McCann? May nakakatawang storing
nangyari sa kanya. Nang nangailangan si Jol ng TIN ay
ginawa siyang pingpong ball ng BIR. So isinulat niya
yung BIR experience niya tapos nilagay niya sa
internet. Biglang kumalat. Last time I heard ay nasa
L.A. na
Anyway after 3 days sa internet ay nabasa ni BIR
Commisioner Parayno yung story. Pinadalhan kaagad si
Jol ng TIN card via mail. Ang bilis.
Ang maganda pa nito ay nag-email kay Jol yesterday si
Bart Guingona. Gusto raw nilang gawing play. Tuwang
tuwa si Jol. Sabi ko nga ay ang agang dumating ng 15
minutes of fame niya.
Anyway here's his original story:
ADVENTURES SA KAWATANAN NG RENTAS INTERNAS
ni Jol Ong
Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang
researcher. Contract employee lang. 3 months. May
Yearbook project kasi sila at kailangan ng extrang
tao.
Okay lang ang bayad, kaso may 10% withholding tax, at
siyempre, dapat may Tax Identification Number (TIN)
ako. Sotinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba yung
employer ang maglalakad ng TIN ng employee?"
Sagot ni bosing- "Di ka kasi regular employee kaya
ikaw ang maglakad ng TIN mo."
Assurance nung assistant ni bosing- "Okay lang yan,
one-time hassle lang yan."
Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko.
Tutal, ano ba ang > worst case scenario? Mahabang
pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay naman ako sa UP e-
kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa
graduation, etc. Ako rin naman ang naglalakad ng
registration ng beetle ko, at sa pagrerenew ko ng
lisensya, so okay lang.
Sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR
Main, sa may QC, para mas konti ang pila! . May BIR
din naman sa labas ng Intramuros, walking distance
para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao
sa Main.
So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako
para lakarin yun. Dun ako sa Main, dahil malapit lang
sa amin, tapos plano ko, dadaanan ko yung ilang
research materials sa UP. Solve!
Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala
ngang katao-tao. Ni wala akong nakitang pila, maliban
lang dun sa pila sa harap, dahil tsinecheck nung sekyu
yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR
Main. Hanep.
Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung
TIN application ko; sabi ko, para sa work. Tinanong
kung saan ako nagtatrabaho; sabi ko sa Intramuros.
"Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki.
"Di po ba puwede talaga rito?"
"Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa
'yo."
Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency
nila. Ibig kong sabihin, wow, Main BIR sila tapos una,
naubusan sila ng TIN Forms, pangalawa, ewan, ang
laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki ng mga
building nila, tapos hindi nila ako ma-accomodate.
Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung
records ko kung sa BIR Davao o BIR Batanes ako
mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba? So ala na
akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din
kung magprotesta pa ako dun. So pumunta na lang akong
peyups (U.P.) for official business, for the first
time. Hehehe!
Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN
application ko sa BIR sa labas ng Intramuros, yung
malapit sa port area. Pag-akyat ko sa taas, hinanapan
ako ng certificate of employment, at baranggay
clearance. At dahil walang nagsabi sa akin na
kailangan ko nun, lalo na yung lalaki sa BIR Main,
wala akong bitbit na requirements.
Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin
yung problema. Nakatingin sa akin yung bosing ko na
parang nawe-weirdohan din at di maintindihan yung
paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang
workmate ko, the fact na nag-apply na ako for TIN,
dinedeclare ko na sa gobyerno na puwede na nilang
kupitan, err, kaltasan ang maliit kong suweldo. Ako na
nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang
hinihigpitan. Tanginang gobyerno yan, kahit kailan
talaga pahirap sa mga tao.
Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila
ako ng certificate of employment. Yung baranggay
clearance, ako na ang maglalakad. Plano kong bumalik
ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang sasabihin na sa
Maynila ako nagtatrabaho. Yung ninang ko na may
business, binigyan ako ng TIN Forms. Form 1901, take
note. Para sa mga regular employees. May pipirmahan sa
likod ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa
baranggay hall namin para sa clearance. Hiningan ako
ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako sa puntong
ito. Isipin mo naman kung gaano ka-hassle ang buong
prosesong ito, para saan? Para gawin ko ang aking role
bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng tamang
buwis. Anyway, tinanong ako nung babae sa baranggay
hall kung may TIN daw ako. Napapalo ako sa noo ko.
Whoooooo!!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!
Okay! So may clearance na ako!
Humingi na ako ng certificate of employment sa bosing
ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form1901
ko. Kaso sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa
roster of employees ng NCCA. Project employee lang ako
e. So tinanong ko kung puwede ibalik yung mga kaltas
sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong
bigyan ng BIR, kaya putangina sila, di ko bibigay pera
ko sa gobyerno! Ang problema, hindi raw puwede yun.
Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo ko. Kapag hindi raw
kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag
nag-check ng expenses ang NCCA, makikitang hindi
binawasan ang suweldo ko. So tinawag ngayon yung isang
accountant ng NCCA para tulungan kami sa aming munting
problema. Hindi rin maintindihan nung accountant kung
bakit hinihigpitan ako ng BIR. Putsa, ako na nga ang
magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana pa silang
magpakipot. Sabi nung accountant, yung kinaltas sa
akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako o
wala, at hindi sa bulsa ng kung sinoman sa NCCA.
Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa
bulsa ng isang congressman, pero technically, alang
problema dahil pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa
simbahan pa rin ni satanas ang tuloy. Ang difference
bale, kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa
akin galing yung kakaning-ibon na baryang portion ng
pang-tip ni Mr.Congressman sa pokpok niya sa Pegasus.
Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung pang-tip niya.
Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer
ako. Tutal, may kaltas din naman daw kapag
nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos i-assert ko raw
na ako na ang magbibigay ng pera sa kanilang mga letse
sila kaya dapat bigyan pa nila ako ng libreng
chocolait at biskwet out of gratitude mga hayop silang
mga impakto sila.
Okay. So bumalik ulit ako sa BIR Main. As usual, ang
pila lang ay yung sa harap, kung saan nagtse-check
yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao. Anyway,
babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung
baranggay clearance ko, at yung accomplished Form 1901
ko. Nung tinanong sa akin kung saan ako nagwowork,
inexplain ko na freelance writer ako kaya wala akong
regular employer, kaya walang nakapirma sa likod.
Okay?
Okay... Hinde. sabi nung babae, since hindi ako
regular employee, ibang form dapat ang finill-up-an
ko. At bigla siyang naglabas ng Form1902 at binigay sa
akin. Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi
niya, ay para sa mga "mixed-income individuals," para
sa mga taong hindi regular ang kita- professionals,
businessmen, at sabi niya, freelance writers.
Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!!
Magkakaroon na ako sa wakas! Inaabot ko na sa babae
yung Form 1902! Eto na...
"Ummm, okay na? Ngayon, punta kayo sa West Ave. Branch
namin."
Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment
of triumph.
"Err! , hindi po ba puwede rito sa Main?"
"Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave.
Branch namin ang may hawak sa inyo."
Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko.
Parang gumagaan ang ulo ko, nanglalambot at naghihina
ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman ang isang
matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap
kong babae sa desk. Sa halip na isang headbutt,
nagtanong na lang ako.
"Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito
para sa akin?"
"Oo, gawa ka ng authorization letter..."
Ah! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Papalakad
ko na lang ito sa nanay ko. hehehe. Paglabas ko,
marami pa ring tsinecheckan ng bomba sa bag sa harap.
Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin
silang bombahin.
Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa
talaga ang purpose ng BIR Main. Nakangsiomai, dun sa
maliliit na branches nila, siksikan ang mga tao,
milya-milya ang pila. Sa Main, ang lawak-lawak, pero
di sila nag-a-accomodate ng applications!
Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng
authorization letter, at masyadong busy ang nanay ko
para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya sa akin, may
kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit
ako, hanapin ko na lang yun. Okey. Sige. Isa pa, may
Form 1902 na ako, baranggay certificate, at yung
excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro
ang problema, pero okay na. Putsa, dapat okay na.
At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West Ave. Sa
second floor sila nag-oopisina sa isang building.
Masikip yung elevator dahil sa dami ng tao. Narating
ko na rin yung desk para sa TIN. Nung chineck nung
babae dun yung papeles ko, hinanap nila yung pirma ng
employer.
"Ay. Wala po. Freelance Writer po ako e."
Napatingin sa akin yung babae, tinitigan ako sa mata
na wari'y tinitimbang ang mga salitang aking
nasambit...
"Ano yung Freelance Writer?"
Napapalo ako ulit sa noo.
"Ma'am, freelancer po ako. wala po akong regular na
sahod. Binabayaran ako per article na sinusulat ko.
Hindi po ako regular employee kaya wala akong
certificate of employment."
Nung makitang Form 1902 ang dala ko, sinabihan pa
akong maling form ang bitbit ko, kaya inexplain ko pa
na nanggaling na ako sa BIR Main na Form 1901 ang dala
ko dati pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin
kaya binigyan ako ng 1902 dahil freelance writer ako,
at inirefer ako sa branch nila. Nakatitig sa akin yung
babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit ko...
"Ano yung Freelance Writer?"
Okay! Kulang ka ba sa iodized salt?
Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at
nakatingin pa rin siya sa akin na tila nambubullshit
lang ako.
"Punta ka na lang sa Officer of the Day."
"Umm. Saan po yun?"
"Sa Seventh Floor."
1...2...3...4...5...6...7...8...9...10...
ayan...kumakalma na ko.
NAK-KANANGTOKWA!!!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA
ELEVATOR!!!
$#@*^%$% #!!!!!!!!
Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd
patungong 7th floor. Hingal na hingal ako nang lapitan
ko ang Officer of the Day.
"Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..."
At ipinaliwanag ko yung nangyari, mula yung pagpunta
ko sa BIR Main, hanggang sa pagpunta ko sa ibaba
kanina.
"Umm... at anong gusto mong gawin ko?"
Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan
sa likod ko. Ipinaliwanag ko ulit.
"Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN. Bakit
ka pinaakyat sa akin?"
Halos nagmamaka-awa na ako. "Ma'am, ala po ba talaga
kayong magagawa?"
At inilahad ko ulit yung masasayang adventures ko sa
BIR Main, sa BIR Port Area, sa BIR Main, at sa BIR
nila. Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale,
hinanap yung kategorya ko. Nung makuha yung code,
sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay tatak.
"Ayan. Okay na yan."
Napangiti ako. Sincere!!! Halos mapaihi na ako sa
tuwa. Matatapos na!!! Kaso, putsa, ang daming taong
naghihintay sa elevator. Walang choice, takbo ulit ako
sa hagdanan pababa. Pagdating dun, lalaki na yung
nakaupo sa desk. Pinakita ko ulit yung mga papeles ko.
"Saan ang Certificate of Employment mo?"
Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba
ako sa isang loop?
"Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance
writer po ako."
"Ano yun?"
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!
At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer,
at ikinuwento ko yung episode kanina, at yung episode
sa BIR Main, etc.
"Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may
negosyo ito e."
"E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi
regular ang sahod ko!"
"May mayor's permit ka ba?"
Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako natawa, pero,
talaga, grabe, comedy ito, men. Wow.
"Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang
po ako!"
Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.
"Ummm, propesyunal ka ba?"
"Opo."
"Anong propesyon mo?"
"Writer po."
"May lisesnsya ka ba?"
Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT!!!????"
Kung kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke
na ako ngayon.
"HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARA MAGING
WRITER!!!" Sabay follow-up ko ng "ANO BA KAYO? AKO NA
MAGBABAYAD NG TAX SA INYO, PINAPAHIRAPAN NYO PA
AKO!!!"
Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko,
iniisip kung ano gagawin. Kung pinapunta pa niya ako
ulit sa Officer of the Day, i-he-headbutt ko na'to
talaga. Buti na lang-
"O sige, irereceive koang forms mo, pero ang alam ko
dapat may kasamang papeles pa ito e. Pumila ka na lang
dun..."
*haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy.......*
Kaso, sobrang haba ng pila, at sa takbo ng mga
pangayayari ngayon, ayoko nang maghintay ng isa't
kalahating oras para lang mag-replay ng kuwentong kung
ano ang freelance writer, at kung bakit hindi ako
regular employee.
Lumabas ako, pumunta ako sa corridor. Pikon na pikon.
Tinawagan ko nanay ko, tinanong ko yung pangalan ng
kaibigan dati ng tita ko sa high school na
nagtatrabaho ngayon dun. Okay, nakuha ko na yung
pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung
saan ang opisina nung babae.
"Sa seventh floor po."
Hindeeeeee!!!!!
Pero sige, para lang magkaroon ng bunga ang paghihirap
ko ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa harap ng
elevator, kaya ayun, inipon ko ang natitira kong lakas
at hininga, at aking tinakbo muli ang second to
seventh floor sa hagdanan.
Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko.
Nagtanong-tanong ako ulit kung saan ang opisina nung
bes-pren ng tita ko, hanggang sa mapunta na ako sa
gitna ng opisina nila.
Sa wakas- "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok ka
diyan."
Yehey!!!
"Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January
2."
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko
maalala kung paano ko tinakbo pababa ang first floor.
Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi, nakaubos yata ako
ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong humupa ang
tila-nuclear holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.
Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli
yung mga tax evaders, hindi mabigyan-bigyan ng TIN
yung mga nagmamagandang loob na magbayad ng buwis!!!
Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!!
Syet!!! Ano nangyari sa iodized salt campaign ni
Ramos!!!
Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa
trabaho, at kinuwento ko lahat. Lagi ko kasing
kinukuwento ang bawat installment ng aking BIR
adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax
nung hapon na yun. Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan
ko na lang, pero nung hapon na yun kaya ko sigurong
mangagat ng leeg.
Tawa rin nang tawa si TJ, at ngayon, kuwento niya,
tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan niya. Pati
yung mga tao sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di
rin makahinga sa katatawa.
Langya, baka maging urban legend pa ang buhay ko, in
which case, sana puwede kong i-video lahat, at
lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring", tapos papadalhan
ko ng kopya yung mga tao sa BIR.
Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung
kailangan mo ng lisensya para magsulat. Isang physical
manifestation ng concept ng poetic license? haha! Kung
sa driver's license, may mga restrictions tulad ng:
"Vehicle up to 4500 KGS GVW" o kaya "Automatic clutch
above 4500 KGS GVW", etc. paano kaya yung sa "Poetic
License" o "Writing License?"
I.Restrictions
1. Haiku and short essays only
2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5
stanzas.
3. Essays above 500 words and Freeverse above 5
stanzas
4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry,.etc.
Pero nag-digress na naman ako. Isang hapon, pagkatapos
nung BIR episode, dumaan ako sa tambayan namin sa UP.
Nung makita ako ng mga kasama ko-
"Jol! Pumayat ka a! Grabe!" hehehe.
Naalala ko yung jogging-jogging ko sa building, at
yung stress, at napangiti ako. Isang mapait at matamis
na ngiti. At kinuwento ko kung bakit
ps: hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ,
si Santi Bose raw, namatay nang walang TIN,. . . . .
nakakatakot!
No comments:
Post a Comment